|
Diablo by: the IMP
bakit ganito buhay ng tao?
lahat yata'y walang kasiguraduhan?
sa iyong paggising problema'y nakaabang,
di makatulog sa bangungot ng kasamaan.
minsan naiisip ko ako'y demonyo...
kamunduhan lamang kaibigan ko...
na isang araw ako'y papatayin
ng mga anghel gamit ay patalim.
mga punyal, bawat tarak ay katotohanan,
mga patak ng dugo, pambayad kasalanan.
ninais ko ba ang maging ganito?
na parang walang katwirang multo?
marahil ako ay naghahanap ng sagot
sa mga katanungang ganito ang dulot...
ang aking katawan unti-unting maaagnas...
pagkatao ko ay wala ng bakas.
walang makakaalala sa aking pangalan
kaya ako ay mabilis na nagpaalam.
kung may masasabi ako sa sarili ko...
walang iba kundi, "PutangAma mo!"
ayoko na! tama na! pakawalan nyo na ko...
sa yakap at halik ng maamong Diablo!
|
 
|